Saturday, June 13, 2009

Ayaw ko na ng malambot na unan.

Dalawang gabi nang 'di mahimbing ang tulog ko. Kanina, mga dalawang oras bago mag-alarm ang phone ko at pwersahan akong gisingin, napadilat ako bigla: hindi dahil sa bangungot at kung anong bed bugs, bigla ako napadilat dahil sa paninigas at pagsakit ng kaliwang braso ko. Kaliwete ako, sabi ko sa sarili ko nun, wala na kong pag-asang mabuhay nang normal.

Oo, paranoia bigla ang naging reaksyon ko nang mga sandaling yun. Kaliwete ako, 'di ko na magagawa ang mga bagay na wiling-wili kong gawin kung paralisado na ang kaliwang braso ko. Mga ilang minuto pa, balik normal na ang function ng katawan ko. Bumalik ako sa pagtulog para lasapin ang nalalabing oras na meron ako.

***

Ngayon nila matitikman ang ganti ko. Tahasan kong isinisisi, at wala kong ikokonsiderang mga damdamin, masaktan na ang masasaktan, magsampa man ng ilang asunto ang industriya ng artipisyal na bulak sa Pilipinas, naniniwala akong kagagawan ng mga malalambot na unan ang ilang minutong pagka-imbalido ng kaliwang braso ko, pagsakit ng batok at ang 'di mahimbing na pagtulog ng dalawang gabi. Oo, sa mga malalambot na unan. Napakamapagkubli ng mga unan sa panlasa ko ngayon. Dati kasi, sa tuwing dumaraan ako sa home needs' section ng department store, para kong minumura ng mga unan: Pu***** ang sarap kong higaan, bilhin mo na ko 'pag nagkapera ka na! At nagtagumpay naman sila, ilang taon ko rin pinagnasahan ang mga malalambot na unan. Isang aspirational product ang tingin ko sa kanila. Isang bagay na mabibili ko lang sa tamang panahon, at 'yun ay 'pag sumweldo na ko.

***

May malalim na pinanghuhugutan ang pangarap kong magkaroon ng malalambot na unan. May scarcity ng mga unan sa bahay mula pa noon, tig-iisa lang kami ng unan at ang unan mo ngayon ay walang kasiguraduhan na unan mo pa rin kinabukasan. Nagpapasa-pasa ang mga unan namin sa bahay. Panigurado na-weiweirdohan ka, huwag ka mag-alala, ako rin ‘di ko alam kung bakit at paano nangyayari yun.

Ancient na ang mga unan sa bahay, karamihan kundi mas matanda sa’kin eh mas matanda lang ako ng ilang taon. Karamihan kasi ay mga unan 'yun na minana pa namin kay Inana nang kunin na sya ni Lord. Si Inana ang ina ng ama ng ama ko. Pumanaw sya sa edad na 94 noong 1994.

May common denominator ang mga unan sa bahay: lahat sila matitigas, siksik sa bulak na hinabi pa mula sa mga pinakahitik na bunga ng puno ng bulak. Oo, may puno ang bulak kung maaalala mo. Pero may charm ang mga matitigas na unang yun, fit to use pa sa susunod na dalawpung-taon.

***

Nang mag-dorm ako nung ikatlong taon ko sa kolehiyo, nagkaroon ako ng long-time unan. Naiiwas ko sya sa tradisyon ng ‘pagpapasa-pasa’. Minahal ko ang unan ko na yun. Bagama’t matigas, sya ang naging kasama ko sa struggle ko sa pagiging independent.

Dumating ang temptation. Naaliw ang mata ko sa mga masasarap sa matang unan tuwing napapadaan ako sa department store. Nakakabulag sila. Naging pangarap ko talagang magkaroon ng malalambot na unan, gusto ko nang mapalitan ang stone-age na unan ko.

Tatlong araw na ngayon, bumibisita sila tita sa Quezon, doon na kasi namamalagi sina mama’t papa (lola’t lolo ko). Ako ang tao ngayon nila sa bahay. Sinamantala ko ang pagkakataon na subukan ang malalambot na unan nila tita sa kwarto. Nang una kong mayakap ang unan, iba ang sensasyon, ang sarap sa pakiramdam, sabi ko. Sumakit ang batok ko pagkagising. Siguro naninibago lang ako. Dumating ang sumunod na gabi. At nangyari na ang ‘di ko inaasahan.

Seventeen days mula ngayon ay matitikman ko na ang tamis ng una kong sweldo, marami akong gustong paglaanan ng perang yun, kasama na ang malalambot na unan.

Pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon eh masarap sa pakiramdam ang masarap sa paningin.

Nagkamali ako, 'di pala sila masarap higaan, 'di ko na uli ipagkakatiwala ang ulo ko sa mga malalambot na unan. Binigo 'nyo ako.

Ayaw ko na ng malambot na unan. Wala na silang karisma sa’kin.

luigenefyanoria

6 comments:

alexcesmegan said...

ako may anim na unan sa kama. 3 matigas, tapos 3 malambot..hehe..nakakaaliw ang backstory mo sa mga unan..pwede mong gawan ng horror film..tapos ang kwento pagkatapos mong bumili ng malambot na unan nagkaroon ka ng sunodsunod na nightmares..ang title Dawn of the Fluffies..hahaha! echos! :D

Anonymous said...

nakarelate ako. matanda na rin mga unan dito sa bahay. kasintigas ndin g bato. hahaha. pero nae-enjoy ko pa din un. totoo nmn, nakakalula na, masakit pa sa ulo kpag malambot ang unan. tried and tested. di sila pedeng pang-ulo.. pangyakap lng.. hehe. mishue gene!

Anonymous said...

watch/read coraline. it has nothing to do with pillows but it's somehow the same.

alexcesmegan said...

@checkyourluckystars: yeah. not everything you want is good for you. :) i love coraline. :)

Juwana said...

hindi ko alam na may pagnanasa ka pala sa mga unan. hehehe. anyways, kala ko nung una random things lang. nice, nakakalungkot lang na sa bandang dulo ay binigo ka ng mga pinaka aasam mong mga unan... well, ganun talaga... kaya nga wag tayong basta nagpapaloko sa kung sino sino at kung anu ano. eh kamusta na ba yung teddy bear mo? hehe

Anonymous said...

@alexcesmegan i love coraline too! i've seen the movie twice.