Friday, July 10, 2009

Parang pangarap ka na lang.

Hanggang pangarap ka na lang ba?
Antagal na kitang inasam.
Naging tapat ako sa'yo.

Sabi mo may money-back guarantee ka.
Sabi mo abot ko ang mundo pero ni
Friendster (dumbing me since 2004) 'di ko ma-access.
Sabi mo, sabi mo. Blah blah blah.

Up to 512 kbps ka kamo.
May Wi-Max ka pang nalalaman.
Murang mura ka nga sa PhP 795 kada buwan.
Mapapamura naman ako sa bagal.


Panis na Panis.

No comments: